Pari at Preso
Kakatapos lang basbasan ng pari ang isang presong nakaupo sa silya-elektrika.
Pari: “Mayroon ka bang nais hilingin bago ka bawian ng buhay?”
Preso: “Opo.”
Pari: “Ano yun, anak?”
Preso: “Pwede po bang hawakan n’yo ang kamay ko hanggang bawian ako ng buhay?”
*****
Isang Pinoy galling sa Pinas ang nasa LAX customs inspection. Medyo kabado kasi may dalang daing (dried fish) sa loob ng maleta.
Inspector: What are those stuff in your suitcase?
Pinoy: Daing, sir!
Inspector: (Looking closely) No, they are not.
Pinoy: It’s true sir. They are daing.
Inspector: They are not dy-ing. These fish are already dead.
*****
Anong Isda
Guro: Wow! Ang ganda ng drawing mong kabayo Mario. Naku! Antonio, ano’ng klaseng isda ito? Halos din a makilala sa kabubura mo. Bangus ba ito?
Tonyo: Hindi Mam!
Guro: Ano nga ito? Tilapia?
Tonyo: Hindi rin po Mam.
Guro: (Galit na) ano nga ito, Lapu-lapu?
Tonyo: Bagoong Mam!
No comments:
Post a Comment